You are currently viewing para hindi masayang sa walang kwentang bagay ang suswelduhin mo

para hindi masayang sa walang kwentang bagay ang suswelduhin mo

  • Post category:Basics
  • Post last modified:February 28, 2016
  • Post comments:2 Comments
(If you want a quick guide for beginners how to start investing in the Philippine stock market, you can download your free ebook here.)

Here’s another question I received though a private message in my facebook account.

“Good evening, Mr. Omeng. Bagong graduate po ako at nagte-training sa isang company. Hopefully maging regular employee ngayong taon. Gusto ko po matuto about stock investment para po hindi masayang sa walang kwentang bagay ang suswelduhin ko. Ano po ba ang mga dapat alamin/gawin ng isang newbie? Maraming salamat po sir. – Steven”

Hi Steven

Sa totoo lang natuwa ako sa private message mo kasi nung kaedaran mo ako, ganyan din ang salitang gamit ko – “walang kwenta” para sa mga bagay na di naman akma sa mga layunin ko.

Kung iisipin natin, ang unang hakbang para mapadali ang pagkamit ng anumang gusto ay ang pagkilala sa “may kwenta” at “walang kwenta”.

Marami tayong ginagawa pagkagising sa bawat araw, at maraming tao ang inuubos ang kanilang araw para sa mga bagay na di sila sigurado kung may kwenta at wala. Kaya kadalasan, nasasayang lang ang oras at ibang pang resources nang hindi natin namamalayan. Sa bandang huli, nadadatnan natin ang sarili na tila wala tayong mainam na kinahantungan.

Kaya mahalaga talaga na alam mo ang gusto mo (GOALS) sa buhay, dahil diyan magmumula kung ang isang bagay na dumating o makasalubog mo sa buhay ay may kwenta at konek sa mga goals mong ito. Wag nang pag-aksyahan ng pera at oras ang mga bagay na sa una palang ay batid mo nang walang kwenta.

Ang dapat alamin at gawin ng isang newbie

Ngayon,balik tayo sa tanong mo, sa pag-aaral ng stocks, ano ba ang dapat alamin at gawin ng isang newbie?

(1) Una, dapat mainitindihan na ang stocks para sa isang ordinaryong investor ay maaring kumita, at maari ding malugi. Hindi sigurado ang kitaan dito. Depende na ito sa mangyayari sa pag-iinvestan mo.

Mahirap malaman ang siguradong paraan para kumita sa stock market, or kahit sa anong investment.

Andyan ang iba’t –ibang bagay na maaring makahila pataas o pababa sa halaga ng investment mo.

Maaring ito’y kaganapan sa ibang bansa (dahil may mga tao sa ibang bansa na nag-iinvest din sa ating stock market dito sa Pilipinas), kaganapan sa kompanya mismo, o pangyayari sa pulitika o polisiya ng Pilipinas na may direktang impluwensya sa pamamalakad at operasyon ng mga kompanyang nakabase sa ating bansa. Ang mga bagay na ito ang syang magtutulak o hihila sa profitability ng kompanya at kasunod na paglago nito.

Ito’y ilan lamang sa mga bagay na nagdidikta kung ang presyo ng share or stocks mo ay aangat o dadausdos pababa. Malaking pag-aaral kung tutuusin sa simula pero malalaman mo din kung pano ito magiging simple sa paglipas ng panahon.

Sa kalagayan ko ngayon, hindi ko na inaalam lahat ng bagay na iyan.

Malaking oras ang gugugulin na mas nanaisin ko pang gamitin sa mas mahahalagang bagay sa personal kong buhay. Sa halip, inaalam ko na lang ang ilang key updates sa market na nakukuha ko sa mga private sources ko o di kaya sa mga researches ng mga market anasyts.
Ngunit nananatili pa rin ang aking pag-aaral ukol dito.

Iyan ang unang dapat mong alamin – na hindi talaga ganon ka-simple ang pag-iinvest para sa isang ordinaryong employee kapag sa sarili mo lang ikaw aasa. Gugugol ito ng ng iyong panahon para iyong maintindihan lalo na sa simula.

Tiyaga talaga yan sa paumpisa.

Sa paglipas ng panahon, mas dadali ang pag-intindi sa mga bagay na ito.
Huwag agad panghinaan ng loob.

Meron din namang Mutual Funds na tinatawag kung saan ilalagay mo sa isang Mutual Fund Investment company ang pera mo at trabaho na nila ang palaguin ito. Wala rin itong garantiya ng pagkatubo pero nababawasan ang risk pagdating sa management dahil propesyonal na ang hahawak ng pera mo (at ng iba pang investors sa mutual fund na iyon) at ito’y may sinusunod na alituntunin na ayon sa patakaran ng ilang ahensya ng gobyerno. Meron ding tinatawag na UITF (Unit Investment Trust Fund) na maari mong makuha sa malalaking bangko sa ating bansa.

Para sa iba pang impormasyon, ito ang ilang links na pwede mong basahin.

Para sa mutual fund – http://www.pifa.com.ph/home.html
At para sa UITF – http://www.uitf.com.ph/

(2) Pangalawa, ano naman ang dapat mong gawin?

how to invest in philippine stock market for beginners

Obviously, pag-aralan muna ang papasukin, tulad ng nabanggit ko na. Sa pag-aaral na yan, malalaman mo na may kailangang paghahanda para mapadali ang iyong pag-iinvest.

Ilan lang sa paghahanda na iyan ay ang pagtatabi ng emergency fund, pagbabayad ng utang, paghahanda sa di-inaasahang sakuna, at kung anu-ano pa. (You can check my video series program for newbies to give you all of this here).

+++

Iyan ay buod lamang ng pag-uumpisa sa pag-invest.

Madalas ang sinasabi ko sa mga nagsisimula palang ay subukan muna ang Mutual Fund at UITF para ma-feel mo lang muna kung ano ba ang kalakaran sa equity market na tinatawag.

Kalaunan, maari kanang pumasok ng direkta sa stock market kung saan ikaw mismo ang bibili ng shares ng malalaking kumpanya tulad ng Jollibee, Meralco, Manila Water at iba pa bilang iyong panimulang stocks investment.

Lagi lang tandaan: Hindi madalian ang pera sa stock market.

Sa ngayon ay pag-ibayuhin mo ang iyong sarili at trabaho para maregular at panatilihing nakaiwas sa mga bagay na walang kwenta.

Maraming salamat!
Omeng

PS: For other questions, you can send them here Or visit our beginners page.



Do you want to receive STOCK PICKS and other lessons on money management & business ideas?

Check out Truly Rich Club and receive 14 incredible gifts for FREE, including the opportunity to earn passive income every month!
Click here to learn more.

Learn more investing lesson videos

Subscribe to my YouTube channel for more.

This Post Has 2 Comments

  1. Bhuboy de Leon

    Very informative post, and useful advice, i really agree , dapat may goals, and dapat meron ding daily activities to achieve your goals, pra alam mo kung napapalapit ka sa goals mo

    1. Omeng Tawid

      Thanks Bhuboy for sharing your thoughts. Happy investing in Philippine stock market!

Got questions? Leave your comments below.