Ang hirap palang maging OFW…

  • Post category:Life
  • Post last modified:April 21, 2015
  • Post comments:7 Comments
(If you want a quick guide for beginners how to start investing in the Philippine stock market, you can download your free ebook here.)
“Hon, padalhan mo naman ako, kasi may gusto akong bilhing shoes dito.”
“Sa uwi mo, ‘wag mong kalimutan yung pasalubong nina nanay at tatay ha?”
“Akala ko ba, may padala kang package? Ang tagal naman!”
“Punta tayo sa Cebu sa next vacation mo…”
Ilan lang ito sa mga walang katapusang requests ko sa asawa ko nung nasa abroad siya. At kapag walang favorable response, nagtatampo ako. Nasasabi ko pa na tinitipid o pinagdadamutan niya ako. Dun na pumapasok ang pag-aaway namin, dahil hindi ko daw siya maintindihan. 

 

Nabubuwisit ako, kasi alam ko na malaki ang sahod niya, pero bakit ang higpit niya pagdating sa pera? Di ko man masunod luho ko gaya ng sapatos, mga bags, damit at iba pang gadgets? Hayyy nakuuu…
Until dumating yung time na nagdecide kami na sumunod ako sa kanya sa banyagang bansa. At last, makakasama ko na rin siya at maipabibili ko na rin mga gusto ko, bwahahaha!
Sa eroplano pa lang, naiisip ko na ang mga bagay na gagawin ko –shopping, bakasyon, dine-out, gala to the max! Paglapag ng eroplano sa Kuwait International Airport, wow! Ang INIT! Humid pa! Sumasakit na ang ulo ko sa biyahe pauwi sa tutuluyan naming flat (kung tawagin ang apartment).
Latang-lata ang pakiramdam ko sa init ng klima, summer daw pala kasi! Naisip ko, huwag na muna ang shopping at gala, pahinga muna…
Dumating yung time na lalabas na kami at mamamasyal, excited pa mandin ako. Pagdating namin sa Mall at nakita ko ang mga bagay na gusto kong bilhin…bigla akong nakaramdam ng panghihinayang…
Makita ko pa lang ang tag price, gumagana na kaagad utak ko sa Riyal to Philippine Peso conversion! Napansin ako ng asawa ko at tinanong nya kung alin daw ba gusto ko, sabi ko na lang, huwag na, next time na lang…

Dumaan ang mga araw at nagiging malinaw na sa akin ang araw-araw na pamumuhay ng mga OFW. Kay lungkot pala maging malayo sa pamilya, ang hirap mahomesick!
Nakakaiyak makita ang mga pictures ng family sa FB tuwing me okasyon. Yung malungkot ka at gusto mo silang makasama kaya lang hindi naman puwede magbus pauwi ng Pinas.
Mas naiiyak ako pag naiisip ko na, kawawa naman pala ang kabiyak ko noong wala pa ako sa piling niya. Sa init at pagod maghapon sa trabaho, wala siyang choice kundi magluto pa rin pagkauwi para me makain, at gawin ang mga bagay mag-isa tulad ng paglalaba.
Bigla akong nahiya sa sarili ko…naalala ko bigla yung mga araw na nagtatampo ako sa kanya kasi hindi niya ako mapadalhan ng pera para mabili yung gusto ko. Yung mga araw na natitiis ko siya dahil sa aking walang kabuluhang pagtatampo, natitiis ko na hindi tumawag o magtext man lang…

Yung mga araw na wala akong ginawa kundi planuhin kung ano ang mga bagay na ipabibili ko sa kanya pagdating ko dito.
Dahil pala bawat text na mabasa niya, ay laksang tuwa na ang dulot sa kanya. Bawat tawag at dinig pa lang sa boses ay ibayong lakas ang bigay sa kanya…dahil sa bawat baryang kinikita niya, wala siyang naiisip kundi ikaw na pamilya niya…

Ang hirap palang maging OFW…pag nakikita ko sa mga pictures yung ngiti nila, mga magagandang lugar na pinapasyalan nila, mga pagkaing nakahain sa harapan nila, sa likod ng mga ito, nakakubli ang ‘di masukat na lungkot at pangungulila.
Marahil ayaw nila na tayong mga kaanak nila ay mag-alala kaya tunay na sitwasyon at nararamdam ay itinatago nila. Nakakaya nilang malayo at magtiis, mabigyan lang ng magandang bukas ang kanilang pamilya.
Saludo ako sa lahat ng OFW na nagtitiis para sa mga pamilya nila.***

Have fun investing (while you can)!
oMeng

PS: I just found the above piece circulating in facebook. Share this post and and help our OFW and their families.
 
PS2: Ang hirap sa mga Pinoy, ang akala e parang dumadampot lang ng pera ang mga OFW sa ibang bansa.
Last Holy Week, may (malayong) kamag-anak kami na dumating from US.

Dumaan ng Maynila para mamanata na rin sa isang simbahan. Syempre, nagsipuntahan naman sa kanya ang ilan kong kamaganak para salubungin at kamustahin sya..

Ayun, nabigyan sila ng 500. Pang pamasahe lang din. So tingin ko disappointed sila.

If you’re in OFW, it’s time to make your relatives realize the importance of  proper financial planning.

It’s not everyday that you’ll work overseas, right? So help them help you… and your family.



Do you want to receive STOCK PICKS and other lessons on money management & business ideas?

Check out Truly Rich Club and receive 14 incredible gifts for FREE, including the opportunity to earn passive income every month!
Click here to learn more.

Learn more investing lesson videos

Subscribe to my YouTube channel for more.

This Post Has 7 Comments

  1. XDDDDDD

    mabuhay tayong ofw hanggat di pa napugotan ng ulo

  2. junabutag

    Mabuhay nga tulad kong ofw..

  3. Ed Castro

    But I like the story, mahirap talaga maging OFW.

  4. Ed Castro

    This is a made-up story because the money of Kuwait is not Riyal but Dinar.

  5. Marissa Cordova Camano

    "Saludo ako sa lahat ng OFW na nagtitiis para sa mga pamilya nila."

Got questions? Leave your comments below.